Sino Si Quiroga Ng El Filibusterismo?Si

Sino si quiroga ng El filibusterismo?si  

Si Quiroga ay isang tauhan ng El Filibusterismo na makikilala natin sa Kabanata 16. Isa syang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Malaki din ang kanyang pagkakautang pero gusto sya tulungan ni Simoun. Isa syang negosyante (parang ang mga Fil-Chinese ngayon) at nung nagdaos sya ng party sa bahay nila, maraming mga importanteng tao ang dumalo kasama na ang ilang mga negosyante, sundalo ang mga mahahalgang tao sa gobyerno. May pabor din na hiningi si Simoun kay Quiroga kapalit ng pagtulong nito.

Ang Pabor ni Simoun

Gusto ni Simoun na tulungan si Quiroga sa kanyang pagkakautang (limang libo)  kung ito ay hahayaan sya na gamitin ang kanyang bodega o warehouse para pagtaguan pansamantala ng mga riple o baril kapalit ng bawas na dalawang libo sa kanyang utang. Ipinaliwanag naman ni Simoun na wala dapat ipagalala si Quiroga dahil unti unti naman ang paglipat ng mga baril.  

Aral sa Kabanata

Kung gipit kakapit sa patalim. Nakita natin dito na dahil nga sa gipit na din si Quiroga, pumayag na lamang sya sa gusto ni Simoun kahit medyo alangan siya. Parang tayo din sa ngayon, may mga bagay na napapapayag na lamang tayo dahil sa tingin natin ay wala tayong choice. Pero sa totoo lang, meron at meron tayong choice sa mga bagay, pwedeng hindi lamang natin ito alam sa ngayon.

#LearnWithBrainly

Para sa dagdag kaalaman:

Mga Tauhan: brainly.ph/question/2161593

Talasalitaan: brainly.ph/question/2637694


Comments

Popular posts from this blog

In What Ways Did Economic Competition Between Countries "Come At The Expense Of Others"? Select All Correct Answers., Countries Paid Taxes To Each Oth

Sino Si Pedro Cabral Sa Tagalog